|
“Bakit nga ba Barako ang pamagat ng pelikula? …Sa pagkaalam ko, ang barako ay kape kaya’t sinubukan kong intindihin ang pelikula base dito…… Noong huli, naisip kong Barako
ang pamagat dahil tulad ng pag-inom ng kape, oras na ito ng paggising.”
- Cheryl Golangco
“Marami ako naunawaan at tsaka na- realize.”
- Jade Rojas
“Ang pelikula ay tumutugon sa katotohanan na ang kapalaran ng ating bansa ay nasa kamay ng mga ordinaryong tao……. tayo rin ay may kontribusyon sa mga isyung ating hinaharap sapagkat hindi tayo nakikialam.”
- Joy Sim
“Ang kwento ay nakapalibot sa isang komunidad kung saan ito ay sinasabing pinakatahimik na pamayanan sa buong bansa…… Ang tingin nila ay mas mabuting hindi magsalita upang mapanatili ang pekeng katahimikan sa kanilang bayan.”
- Mimi Rodelas
“Nakikita ko rin sa pelikula kung paano binibigyang diin ang konsepto ng katahimikan. Ayaw ng mga tauhan na sumama sa gulo, makakita ng gulo, at magsimula ng gulo. Bakit nga ba takot ang mga tao, lalo na ang mga Filipino, sa gulo at pagbabago kahit kung ito ay makakabuti sa ating lipunan?”
- Katrina Gomez
“Saludo ako sa mga taong walang takot na lumalaban para makamit ang demokrasyang pinagkait ng maruruming opisyal. Sila ang mga taong dapat gayahin dahil sa kagustuhan nilang ipaalam ang katotohanan at malagay ito sa tama.”
- Lanna Olegario
“…Hindi natin maaaring baguhin anumang nangyari sa nakaraan. Ang pwede nating gawin ay simulan ang pagbabago ng kaisipan ng pananahimik at palitan ito ng kaisipan ng isang barako.”
- Trisha O’Leary
“Sa ating kasalukuyang panahon, ito siguro ang kailangan ng mga mamamayan ngayon– ang kape. Kape para sila ay magising sa katotohanang inilalahad sa kanila at upang magsimula silang kumilos…”
- Kat De Guzman
“Nang nagsimula ang pelikula, hindi ko masyadong maintindihan. Pero, pagkalipas ng ilang minuto ay naintindihan ko na, ay nagustuhan ko na rin…… Naisip ko rin na kahit may mga taong masama, may mga tao ring nagmamalasakit para sa kapwa, mga taong tumutulong sa iba, mga taong nag-iisip ng mga paraan kung paano uunlad ang bansa……. Mga tunay na bayani - o barako.”
- Andria Lee
“Noong una inakala kong katawa-tawa ang palabas dahil mukha namang napakababaw kung gagawan ng pelikula ang kapeng barako. Ngunit ang aking akala’y mali pala…… ang mga bagay pala sa ating paligid ay maaaring gamiting instrumento at bigyan ng malalim na kahulugan tulad na lamang ng natuklasan ko sa pelikula……. Masasabi kong isang magandang opurtunidad ang naibigay sa akin at napanood ko ang ganitong uri ng pelikula.”
- Chelle Narag
“Ipinakita nito ang realidad ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon at noong nakaraang panahon. Magaling ang ginawang paghahambing nito.”
- Mark Kevin Venegas
“Isa itong matalinhagang pamamaraan ng pagsasabi na maraming Filipino ang tulog pagdating sa aktibong pakikibaka para sa pagsusulong ng mga pagbabagong makakabuti o makakapagbigay-solusyon sa mga sakit ng ating lipunan.”
- Patricia Feliciano
“Ang salitang ‘barako’ ay hindi ginamit sa kontekstong kinasanayan ng mga Filipino. Hindi ito tumutukoy sa isang lalaki na kinakakatakutan dahil sa taglay niyang tapang.”
- KC Boter
“Halos wala akong naintindihan sa sineng pinalabas…… hindi ko masasabi kung ano yung plot, lalo nang hindi ‘yung conflict and resolution. Nakakahiyang hindi ko tamang masasabi na alam ko ang identidad ng pangunahing tao……. Kahit na ang storyline ng sine ay umiwas sa akin, kampante ako na naintindihan ko ang kanyang mensahe.”
- Francine Regalado
“Maayos na panunulat, matinong aktor at aktres, at masinsin at malakas na mensahe ang nagpapaganda dito. Ang kaso, sa aking pananaw, ang pagdadagdag ng ibang eksena na wala masyadong kinalaman sa istorya at ang paglagay ng istorya sa loob ng istorya na tungkol sa istorya ay nakakagulo.”
- Kevin Ancheta
“Sa tingin ko… hindi pa nga handa ang mga tao na manood ng ganitong klaseng pelikula. Ang mga tao rin ay hindi pa ganu’n kaedukado para maintindihan ang mga pelikulang tulad nito.”
- Kathlyn Ajido
“Noong ito ay aking pinanood, akala ko makakatulog ako dahilan sa madalang akong manood ng mga palabas na ganito, ngunit hindi ko maiwasang antayin at subaybayan ang susunod na mga hakbang ng mga bida para makamit ang kanilang nais…… Ang palabas na Barako ay nakakagising ng nasyonalismo ng isang Filipino. Marahil, kung pahihintulutan ng gobyerno at ng midya ay makakatulong ito sa mga taong matagal nang takot na magsabi ng katotohanan.”
- Margarita Bueno
“Ang pagiging “grounded in reality” ng Barako ang siya ring nagpapahusay sa pagkakagawa nito.”
- Abigail Co
“Una, akala ko tatamarin ako dahil nga sa seryoso itong pelikula pero n’ung pinapanood ko na, naeengganyo at naiintriga ako sa mga mangyayari sa mga susunod na eksena at kung ano ang mangyayari sa mga character dito. Natuwa din ako dahil may mga special effects din ito na hindi ko inaasahan, at maganda ‘yung sounds ng pelikula kumpara sa mga ibang indie movies.”
- Catherine Ko
“Isang kakaibang uri ng independent film ang Barako para sa akin. Marahil sa kadahilanang ito pa lamang ang pelikulang napanood ko na tumatalakay sa lumulubhang kanser ng ating bansa.”
- Jovi Francesca Jose
“Ang BARAKO ‘ata ang unang indie film na aking nasimulan at natapos panoorin…… Pinupuri ko ang direktor, ang produksyon at mga artista sa magandang pelikulang kanilang nagawa. Ito ay dapat ipagmalaki.”
- Charlene Collado
|