|
Written by Barako
|
|
Kasalukuyang nasa proseso ng pagpaparehistro sa Cooperative Development Authority ang East Indie Cooperative. Sa oras na maitatag ito (sa lalong madaling panahon), bubuksan ang imbitasyong sumapi sa mga artista at teknisyan na kasali sa produksyon ng Barako. Ito ang mungkahi ko: ang pagsapi ay isang pribilehiyo na magkakaloob sa bawat isa ng libreng minimum na saping puhunan (share) sa kooperatiba batay sa itatakda ng lupon.
Kapag maayos na ang lahat, ipapaskil ko rin dito ang detalye ng kooperatiba.
|