Blogs
East Indie Cooperative PDF Print E-mail
Written by Barako   

Kasalukuyang nasa proseso ng pagpaparehistro sa Cooperative Development Authority ang East Indie Cooperative.  Sa oras na maitatag ito (sa lalong madaling panahon), bubuksan ang imbitasyong sumapi sa mga artista at teknisyan na kasali sa produksyon ng Barako.  Ito ang mungkahi ko: ang pagsapi ay isang pribilehiyo na magkakaloob sa bawat isa ng libreng minimum na saping puhunan (share) sa kooperatiba batay sa itatakda ng lupon.

Kapag maayos na ang lahat, ipapaskil ko rin dito ang detalye ng kooperatiba. 

 
Barako sa Indie Sine, tentative schedule PDF Print E-mail
Written by Barako   

Barako has been scheduled for screening from July 3-9, 2008 at Indie Sine, Robinson's Galleria, Ortigas.  However, this remains tentative for several reasons.

WE NEED SPONSORS.  Interested parties may contact the organizer thru 09155797345 or This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it for details.Barako sa Indie Sine, tentative schedule

 
Barako: Brave PDF Print E-mail
Written by Barako   

PUNTODEBISTA. Kabilang sa kategoryang indie (independent), ang Barako ay maituturing ding kauna-unahang full-length na pelikulang Batangueño (sa wika at kultura). Hindi tulad ng ibang pelikula, indie man o mainstream, nakatingin tayo rito sa mas malawak (macro) na perspektiba ng lipunan, at hindi sa mga isyung personal ng bawat karakter. Bilang tagamasid (observer), inaanyayahan ang manonood na gumawa ng sarili niyang paglalagom (deduction) at kung gayon, pati mga posibleng kongklusyon sa kuwento.

SEXIST DAW? Para sa mga Batangueño, ang salitang “barako” ay tumutukoy sa katangian at hindi sa kasarian. Sa Batangas, ang kahulugan nito ay “matapang”. Kaya tinawag na barako ang kape ay dahil matapang ito. Gayundin, kaya napadikit sa kalalakihan ang salitang ito, ay dahil ang katapangan ay isa sa pinakaiingatang katangian ng mga lalaki (na nagbunga ng mga isteryotipo). Gayunman, ang isang matapang na babae sa Batangas ay puwede ring tawaging barako.

MGA YUGTO. Mula sa depensa ng Batangas (1900), dadalhin tayo ng pelikula sa parehong lugar may 80 taon na ang nakalipas. Susundan natin ang kalagayan ng bayang ito sa kasalukuyang dekada (2000). Bago magwakas ang kuwento, masasaksihan natin ang kaputol ng naturang digmaan. Ang yugto ng kolonisasyong Amerikano ay napakahalaga dahil (sa pananaw ng manunulat) nakapagsarili na ang bansa sa puntong ito, at nakatunghay tayo sa pagtatanggol ng mga Filipino sa kalayaang bunga ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ito ang “make or break moment” nating mga Pinoy. Kung nagkataong natalo natin ang mga Amerikano, ibang-iba ang magiging pagtingin natin sa ating mga sarili bilang mga Filipino.

PAGBASAG SA KATAHIMIKAN. Ano ang nangyari makaraang matalo tayo sa Digmaang Filipino-Amerikano? Iyan ang magiging punto ng talakayan matapos mapanood ang pelikula. Bagama’t kuwento ito ng isang munting bayan sa Batangas, inilalarawan nito ang uri ng demokrasyang natamo natin sa mga Amerikano, at kung ano ang ginawa sa atin ng kolonisasyon. Inaanyayahan tayo ng pelikula na lagpasan ang ating mga kasalukuyang karuwagan at muli, kamtin ang tapang (ang kahandaang magtanggol, ang kahandaang gawin ang nararapat) upang masabi nating tayo nga ay tunay na malaya.

 
Isang interesting na usapin ng kababaihan PDF Print E-mail
Written by Barako   

Sori, Maan, kung naghanap ka ng lutang na paninindigan ng kababaihan sa Barako ngunit hindi mo natagpuan. Kailangan nating tanggaping realidad ito sa naturang bayan, na siya ring realidad na inilarawan ng pelikula. Dahil ito'y base sa mga totoong tao at pangyayari, kahit kaila'y hindi ko narinig na dumaing para sa pagbabago sina Susan, Angie at Dolores, at hindi magiging makatarungan sa kanila at sa akin na itulak ko silang magpahayag ng kahit ano sa ngalan ng ideolohiya (feminismo, kung gusto mo).
 
Para sa akin, mas matimbang ang realismo kaysa sa anumang kapahayagan (statement). Kagaya rin na hindi isang ideyal para kay Rizal si Maria Clara, kundi isang karikatura lamang (hindi kailangang sabihin ni Rizal na 'hindi dapat ganito'). Kung naging mas maingay ang kalalakihan sa bayang ito sa Batangas, iyan ay realidad, at hindi ko ginustong maging sunud-sunuran si Susan, maging puta si Angie, at kumabit si Dolores para makaahon sa buhay. Mga desisyon nila iyan, at kahit ako ang filmmaker--hindi ko iyan idinidikta sa aking mga tauhan, ni ang tubusin ko sila sa kanilang mga kalagayan.
 
Kung hindi lutang ang papel ng kababaihan sa pagbabago ng naturang bayan, aba'y gawan n'yo ng paraan (kayong mga nasa kilusan) na magsalita sila at hindi maging sunud-sunuran! Sa abot ng alam ko, ang organisasyon ng kababaihan sa amin ay laging kinakasangkapan ng mga nakapuwesto sa pulitika, at karamihan sa kanila'y walang pakialam sa pagbabago.
 
Kung gusto ninumang magpakita ng ibang larawan ng kababaihan, kailangan niyang humanap ng totoong mga tao, at hindi ang maglahad ng pawang ideyal lamang. Sigurado akong makakakita siya, ngunit hindi sa nabanggit na bayan at pelikula. Sa ibang lugar, marami akong kilalang babaeng may mahusay na paninindigan at handang magbuwis ng buhay para rito, subalit ang kultura at kasaysayan ng isang lugar ay hindi kapareho ng iba pa.
 
Sana, mas makita ninyo ang marami pang dapat gawin tungo sa pagkamulat ng kababaihan (at ng kalalakihan din!). Sa kabila ng punang didaktiko (talaga namang didaktiko at maingay ang Batangueño!), isa ito sa maraming hindi tuwirang mensahe ng pelikulang Barako.
 
Maraming salamat sa panahong iniukol sa pelikula at sa rebyu.

Read more...
 
Malapit na ang University Premiere ng BARAKO PDF Print E-mail
Written by Barako   

 Wala pang tiyak na petsa, pero inaasahang ganapin sa darating na Setyembre sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) ang University Premiere ng Barako bilang pagsisimula ng Campus Tour nito.

Pinanood ni Secretary General Rev. Fr. Isidro Abaño, O.P. kasama sina Tonton Africa (musika), Tots Aguila (kabilang sa cast), Carlomar Daoana ng Center for Creative Writing and Studies (CCWS) at Manila Times, Manolito Sulit (manunulat/direktor/prodyuser at associate ng CCWS), at ilang kawani ng museo ang naturang pelikula noong Agosto 14, sa isang espesyal at ekslusibong palabas sa UST Museum.

Agad namang ibinigay ni Fr. Abaño ang basbas kay Sulit para mapanood ng mga mag-aaral ang Barako na kinabibilangan din ng mga Tomasinong artista at tekniko.

Magiging pangunahing tagapag-organisa ng naturang premiere ang CCWS sa pamamatnugot ni Dr. Ophelia A. Dimalanta.

 
<< Start < Prev 1 2 3 Next > End >>

Page 1 of 3
Copyright © 2010. Barako The Movie.
S5 Logo