MANOLITO CASTILLO SULIT. Manunulat, direktor at prodyuser. Awtor ng "Ibang Daan Pauwi"(isang libro ng mga tula, 2005), isang makata at community organizer na nakakakita ng pag-asa sa pelikula bilang midyum ng kamulatan. Sa desisyong tahakin ang larangang ito, ginagawa niya sa kasalukuyan ang "Tupang Ligaw"
(short digifilm) at sana, ang "Barako" (full-length). Naging direktor siya at scriptwriter ng "Berso at Subersyon", pampanulaang pagtatanghal sa Cultural Center of the Philippines (2006). Nag-organisa rin siya ng dramafest bilang guro sa Batangas State University (1999), pioneer ng Theater Arts Organization (TAO) na inampon ng Santo Niño Formation and Science School sa Rosario, Batangas (1999), theater arts workshop sa Ibaan, Batangas (1995), nagsilbi bilang tagadisenyo at opereytor ng mga ilaw at tunog sa "Mukha" (dalawang isang-yugtong dula ng Departamento ng Filipino, DLSU, 1994), at nagtanghal ng kanyang mga tula sa UST bilang kasapi ng Thomasian Writers' Guild (1991-1993).
EMMAN PASCUAL. Katulong na direktor at direktor ng potograpiya. Creative Director ng Red Door Video Productions, naging katulong na direktor ng "Ang Huling Araw ng Linggo (2006)", isang Cinemalaya full-length film; direktor ng Music Video ng Paramita (2006) at Black Gulaman (2005); at editor at DOP ng maraming indie short films at AVPs. Nakadalo siya sa Animation Workshop ng University of the Philippines (2005),sa Cinematography ng Mowelfund Film Institute (2004), Video Production at Freefest ng Cultural Center of the
Philippines (2002).